Marlou Arizala, may ipinakilalang puwedeng sumunod na Xander Ford

Courtesy: Stand for Truth

May inirekomenda ang dating ‘Xander Ford’ na si Marlou Arizala na pasado raw para sa titulong binawi sa kanya.

Noong Abril, inanunsyo ng Star Image Artist Management sa Facebook ang paghahanap nila ng pagpapasahan ng pangalang Xander Ford.

Sa pahayag sa GMA News, ipinakilala ng dating member ng Hasht5 si “Nardong Oppa” na puwede raw pumalit sa kanya.


Game na game namang umawra si Nardong Oppa at nagpromote pa ng kanyang Facebook page.

“O may page pa siya. Ang kapal ng mukha,” sagot ni Marlou.

Binawi ang titulong Xander Ford kay Marlou matapos ang problema umano nito sa attitude na nagdulot ng sunud-sunod na kontrobersiya.

Nilabag din umano nito ang kontrata, ayon sa ahensyang humawak sa kanya.

 

Facebook Comments