Marlou is dead, Xander Ford is the new Oppa!

Showbiz – Trending ngayon ang former member ng Hasht5 na si Marlou Arizala dahil sa bagong itsura nito.
Kagabi kasi ay inabangan ng lahat ng mga manunuod ang revelation ng transformation ni Marlou o kilala na bilang xander ford sa primetime show ng kapamilya network na Rated K.
Bilib na bilib ang lahat sa bagong muka ni Xander Ford kaya naman marami ang nagtiliang mga babae dahil isa na daw maituturing na “oppa” ang former Hasht5 member.
Ayon kay Xander, dahil sa pagbabago sa kanyang pisikal na panlabas ay plano niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aartista para makatulong sa kanyang magulang.
Dumaan ang binata sa plastic surgery kung saan inayos ng mga doktor ang kanyang ilong, baba, kilay, pilik mata, ngipin at labi.

Facebook Comments