Idineklara ni Mayor Julio F. Parayno III ang Marso 21, 2025, bilang isang Special Non-Working Holiday sa lungsod ng Urdaneta upang ipagdiwang ang ika-27 anibersaryo ng pagiging lungsod nito.
Batay sa Executive Order No. 06, Series of 2025, layunin ng deklarasyon na bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Urdaneta na makilahok sa nasabing pagdiriwang.
Ang pagiging lungsod ng Urdaneta ay nagbigay-daan umano sa mas mabilis na pag-unlad ng ekonomiya at sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga residente.
Dahil dito, walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas, at walang trabaho sa mga pampubliko at pribadong tanggapan sa buong lungsod sa nasabing petsa.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments