MGA LUGAR SA PANGASINAN NA MADALAS MAKAPAGTALA NG LINDOL, MAHIGPIT NA TINUTUTUKAN

Mahigpit tinututukan ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mga lugar sa lalawigan na may madalas na naitatalang lindol.

Ayon sa tanggapan, madalas na may naitatalang lindol ay ang bahagi ng Bolinao, Agno, Sual, at Anda.

Maigi rin nilang tinututukan ang paggalaw ng Manila trench dahil isa ang Pangasinan sa maaaring maapektuhan nito partikular ang bayan ng Bolinao.

Nauna na ring idineploy ang kanilang team evaluators sa Binabalian, Bolinao kung saan isang coastal barangay upang tiyakin ang kaligtasan at paghahanda ng mga ito sa oras na makapagtala ng malakas na lindol.

Maaari umano kasing magkaroon ng banta ng tsunami sa mga coastal areas dahil sa malakas na lindol.

Bukod dito ay tinitignan din ang iba pang maaaring maidulot ng lindol sa iba pang lugar tulad na lamang ng landslides.

Kahapon, nakiisa ang mga Pangasinense sa isinagawang Simultaneous Earthquake Drill. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments