MANILA – Naghain ng petition for contempt of court sa Supreme Court ang grupong tutol sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).Base sa 13-pahinang petisyon nina dating Bayan Muna Party list Rep Satur Ocampo at former Bayan Muna Rep Neri Colmenares, hindi pa natatapos ang mandatory 15-day period para umapela ang mga petitioners pero inihimlay ng biglaan at patago si Marcos kahit na hindi pa maituturing na final and executory and nasabing ruling ng Kataas taasang hukumanAyon pa sa grupo, ang pag-aalis ng Supreme Court ng Status Quo Ante order ay hindi nangangahulugang may karapatan na ang mga respondents na agad agad ilibing si Marcos sa LNMBBase pa sa petisyon, kung mapapatunayang guilty ang mga respondents, hinihiling nilang mapatawan ng Korte Suprema ng multa at pinarere imburse din ng grupo ang public funds na ginugol sa pagllilibing sa dating diktadorMatatandaan nuong Byernes, kung saan biglaang nilibing ang dating pangulo 2 military choppers ang naghatid sa mga labi at naulilang pamilya nito mula Ilocos patungong LNMBKabilang sa mga pinangalanang respondents ay sina Rear Admiral Ernesto Enriquez- AFP deputy chief of staff for reservist and retiree affairs, AFP Chief of Staff Ricardo Visayas, Defense Sec. Delfin Lorenzana at mga kaanak ni dating Pangulong Marcos.
Martial Law Activists, Pina-Cicite For Contempt Ang Pamilya Marcos At Ilang Opisyal Ng Afp
Facebook Comments