Martial law, dapat palawigin hanggang 2022 ayon kay Alvarez

Manila, Philippines – Isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez na palawigin hanggang sa limang taon ang pagpapairal ng martial law sa Mindanao.

Paliwanag ni Alvarez, layon nito na mabigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng sapat na panahon para masawata ang problema ng terorismo at ng rebelyon sa Mindanao.

Binigyang diin pa ni Alvarez na maikli ang ilang buwan para maresolba ang problema sa Mindanao.


Sa oras aniya na makumbinsi niya ang ilang mambabatas, itutulak niya na paabutin ng 2022 o hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte ang pagpapairal ng batas militar sa nasabing rehiyon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments