Martial Law declaration, makatwiran kung hindi titigil ang NPA sa pag-atake sa mga sundalo at pulis at sa mga naghahatid ng tulong sa mga apektado ng COVID-19

Susuportahan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang deklarasyon ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lacson, ito ay kung magpapatuloy ang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga pulis at sundalo pati na rin sa mga nagsasagawa ng humanitarian mission para maghatid ng social amelioration funds.

Sa katunayan, pabor si Lacson sa puspusang pagtugis sa mga rebelde na patuloy na naghahasik ng karahasan at umaatake kahit sa gitna ng dinaranas nating krisis ngayon dulot ng COVID-19.

Sabi ni Lacson, maaring ideklara ng Pangulo ang Martial Law sa mga lugar kung saan patuloy na nagsasagawa ng operasyon o pag-atake ng NPA.

Facebook Comments