MARTIAL LAW EXTENSION | Hiling ni Pangulong Duterte, ipadadala sa Kongreso ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang ipadala ngayong araw sa Kongreso ang sulat ni Pangulong Rodrigo Duterte na humihiling na palawigin pa ng isang taon ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea – ito ay kasunod na rin ng rekomendasyon ng Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP).

Kung maaalala, nakatakda sanang mapaso o magtapos ang umiiral na martial law sa Mindanao sa December 31 ngayong taon.

Noong May 23, 2017 nang ipatupad ni Pangulong Duterte ang martial law sa buong Mindanao matapos inatake ng Maute Terror Group ang Marawi City.
Hanggang 60 araw lang dapat ang initial declaration ngunit sa joint session ng Kongreso, naaprubahan ang martial law extension hanggang sa katapusan ng Disyembre 2017.


Facebook Comments