Manila, Philippines – Pangulong Duterte inilatag ang mga dahilan kung bakit hinihiling sa Kongreso ang extension ng Martial Law.
Inilabas na ng palasyo ng Malacañang ang liham ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso para hilingin ang pagpapalawig o extension ng Martial Law sa buong Mindanao ng isang taon pati narin ang suspension ng privilege of writ of habeas corpus.
Hinihiling ni Pangulong Duterte ang mapalawig ng Martial law mula January 1 hanggang December 31, 2018 o sa anomang panahon mapagdesisyunan ng kongreso base narin sa mga nakasaad sa Saligang Batas.
Sa liham ng Pangulo ay nakapaloob dito ang Security Assessment ng Armed Forces of the Philippines na ibinigay ni AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero kung saan binigyang diin nito na kailangang mapulbos ang lahat ng local at Foreign Terrorist group at mga armadong Grupo sa Mindanao pati na ang kanilang mga supporters at financiers.
Binigyang diin din ni Pangulong Duterte sa kanyang liham sa kongreso na kahit pa napatay ang Emir ng ISIS sa Asia na si Isnilon Hapilon at ang mga Maute brothers ay patuloy pa rin ang pagpapalakas ng teroristang grupo sa pamamagitan ng patuloy na recruitment at pagbuo ng iba pang gurupo ng kanilang mga tauhan kung saan aktibo ang mga ito sa Central Mindanao partikular sa Maguindanao, North Cotabato pati na sa Sulu at sa Basilan.
Patulyo din naman aniya ang monitoring ng militar sa Turaife Group na siyang tagapagmana umano ni Hapilon at nagbabalak na mambomba sa Cotabato Area, bukod pa dito ay nandyan din aniya ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang Abu-Sayyaf at New People’s Army (NPA) na responsible sa maraming terroristic act at pagatake sa Mindnao.
Sinabi in Pangulong Duterte sa kanyang liham na mahalaga ang mabilis na pagusad ng rehabilitasyon ng Marawi City para maibalik sa normal ang buhay ng mga Maranao at maibalik ang socio economic growth sa lungsod.
Ang mga ito aniya ang kanyang mga pangunahing dahilan sa kanyang paghiling ng extension ng Martial Law dahil ang layunin nito ay matiyak ang kaligtasan ng publiko at maibalik ang public order.