MARTIAL LAW EXTENSION | Opposition Senators, umaasang maiakat ang usapin sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Umaasa sina Liberal Party o LP Senators Franklin Drilon, Kiko Pangilinan at Bam Aquino na sa lalong madaling panahon ay maidudulog na sa Supreme Court ang pagkwestyon laban sa panibagong extension ng martial law ng buong Mindanao hanggang taong 2018.

Ayon kay Drilon, mahalagang maiakyat sa Supreme Court ang usapin upang matukoy kung ito ay may basehang legal at kung naayon sa konstitusyon.

Ipinunto ng mga opposition senators na politikal kasi ang proseso sa Kongreso na nagpahintulot sa pagpapalawig ng martial law na magtatapos na sana ngayong December 31.


Nauna ng iginiit nina Pangilinan, Drilon at Aquino na walang basehan para palawigin pa ang batas militar dahil nabawi na ang Marawi City mula sa kamay ng Maute Terror Group.

Hindi rin anila maaring pagbasehan nito ang banta sa seguridad ng New People’s Army at ng iba pang armado o rebeldeng grupo.

Facebook Comments