BAGYONG URDUJA | Pangulong Duterte, bibisitahin ang mga nabiktima sa Biliran

Manila, Philippines – Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nabiktima ng bagyong Urduja sa Biliran.

Inaasahang darating ang Pangulo sa Biliran mamayang hapon para alamin ang sitwasyon ng lugar at mga residente nito na nasalanta ng malakas na sama ng panahon.

Hindi pa inilalabas ng MalacaƱang ang detalye ng biyahe ng Pangulo partikular ang mga makakasama nito sa kanyang pagdalaw sa mga biktima ng bagyo.


Inaasahan na magbibigay din naman si Pangulong Duterte ng tulong sa mga nabiktima ng bagyo.

Pagkatapos ng biyahe ng Pangulo sa Biliran ay dideretso ito sa Kampo Crame mamayang hapon para pangunahan ang paggawad ng order of Lapu-Lapu sa mga pulis na nasugatan sa bakbakan sa Marawi City.

Facebook Comments