MARTIAL LAW EXTENSION | Pangulong Duterte, gagawa pa ng written recomendation para sa kongreso

Manila, Philippines – Inaabangan nalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang written recommendation ng Armed Forces of the Philippines at Philippine national Police patungkol sa extension ng Martial Law sa Mindanao.

Sa interview kay Interior Secretary Eduardo Año dito sa Malacañang, sa oras na matanggap ni Pangulong Duterte ang pormal na rekomendasyon ay pagaaralan ito ng Pangulo para sa kanyang desisyon.

Gagawa din aniya si Pangulong Duterte ng written recomendation base sa isinumite ng AFP at PNP na siyang isusumite naman ng Pangulo sa Kongreso na siyang magpapasiya kung papayagan ang extention ng Martial Law o hindi.


Sinabi ni Año na malaya si Pangulong Duterte na dagdagan o bawasan ang mga nakasaad sa rekomendasyon ng AFP at PNP base sa kanyang kagustuhan.

Pero nilinaw din naman ni Año na walang expansion o pagpapalawak ng mga lugar na sasaklawin ng Martial law pero maaari naman aniyang bawasan ng Pangulo ang mga lugar sa Mindanao na mapapasailalim sa Batas Militar.

Facebook Comments