MARTIAL LAW EXTENSION | Pangulong Duterte, may kundisyon sa NPA para agad bawiin ang batas militar

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad niyang bawiin ang martial law extension sa Mindanao kung makapagpapakita ng mabuting nagawa ang New People’s Army (NPA) kahit sa loob lamang ng bente kwatro oras.

Ayon sa Pangulo, sa nakalipas na limampung taong pakikibaka, walang ginawang iba ang teroristang npa kundi ang mag-recruit ng mga Filipino na pumatay at magpakamatay.

Kaya naman hamon ng Pangulo –kapag may naibigay o naipakitang ang sinuman na may magandang nagawa ang NPA sa isang barangay sa loob ng 24-oras o kahit na kalahating oras lang ay agad niyang babawin ang martial law sa Mindanao.


Samantala, naghain na sa Manila Regional Trial Court branch 32 ang mag-asawang lider ng CPP-NPA na sina Benito at Wilma Tiamzon upang hindi kanselahin ang kanilang pansamantalang kalayaan at pabalikin ng bansa.

Ang aksyon ng mag-asawang Tiamzon ay kasunod ng motion for recommitment at cancellation of bail ng Department of Justice.

Facebook Comments