MARTIAL LAW EXTENSION | Pangulong Duterte, pinasalamatan ang kongreso sa pagpapalawig ng batas militar

Manila, Philippines – Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kongreso sa pagpayag na palawigin pa ng isang taon ang Martial Law sa Mindanao.

Sa kaniyang talumpati sa Philippine Army headquarters sa Taguig City, sinabi ng pangulo na kailangan talaga ang martial law dahil kung wala ay mahihirapan ang gobyerno na habulin ang mga terorista kasama na ang New People’s Army.

Nagbabala naman ang pangulo sa NPA na pagpapa-praktisan ng bagong attack helicopters sa halip na arestuhin kapag hindi tumigil sa kanilang opensiba.


Binigyan naman ng pangulo ng isang taong ultimatum ang mga ito para umayos dahil kung hindi aniya’y magtutuloy-tuloy ang bakbakan at manganganib na sila’y mauubos.

Facebook Comments