Manila, Philippines -Pinalilimitahan ni House Deputy Minority Leader at Kabayan Partylist Rep. Harry Roque sa Marawi City at sa ARMM ang martial law kung may planong i-extend ito.
Ayon kay Roque, hindi na kailangan ng batas militar sa ibang bahagi ng Mindanao dahil limitado lamang sa mga nabanggit na lugar ang pangangailangan para sa martial law.
Dapat din na gawing maikli lamang ang extension sa batas militar dahil kung patatagalin pa ay makakaapekto na ito sa ekonomiya, negosyo at turismo ng bansa.
Samantala, hindi na kakailanganin ang special session ng Kamara at Senado dahil mag-e-expire ang 60 days martial law sa July24 sa mismong SONA ng Pangulo.
Paliwanag ni Roque, sa ilalim ng Article 13 ng New Civil Code, hindi kasama sa pagbibilang ng araw ang petsa kung kailan ito idineklara.
Dagdag pa ng mambabatas kailangang munang hilingin ng pangulo ang extention at kung gaano ito katagal katulad ng unang ginawa nito.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558