Martial law extension sa Mindanao, ibabatay sa rekomendasyon ng AFP at PNP

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibabatay niya sa rekomendasyon ng AFP at PNP kung palalawigin pa ang martial law sa Mindanao.

Nabatid na hanggang sa katapusan na lamang ng taon epektibo ang batas militar.

Ayon sa pangulo – kailangang mapigilan ang mga anumang banta ng terorismo sa Mindanao.


Naniniwala ang pangulo na hindi nag-abuso ang mga sundalo sa Marawi taliwas sa ibinabato ng human rights group na amnesty international.

Hindi siya naniniwala na ang mga sundalo ang mga sangkot sa looting o pangnanakaw sa mga bahay sa lungsod.

Facebook Comments