Manila, Philippines – Suportado ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapalawig ng martial law na umiiral ngayon sa buong Mindanao.
Gayunpaman, hindi pa kumbinsidio si Drilon na dapat tumagal ng limang buwan o hanggang December 31, ang martial law extension.
“The need for extension, yes; I am inclined to support that, but so far as the length and the coverage, let’s debate on that.” pahayag ni Drilon.
Kasabay nito ay pinuri din ni Drilon ang mga tropa ng pamahalaan sa maayos na pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao.
Ikinatuwa ni Drilon na sa 2-buwang pag-iral ng martial law ay walang naitalang kaso ng paglabag sa karapatang pantao.
“I support our soldiers and what they are doing in the Armed Forces of the Philippines in implementing the martial law in Marawi and the rest of Mindanao. As you will note, there is no report of any significant human rights violation” pahayag ni Drilon.