Martial Law, hindi opsyon ng administrasyon para panatilihin ang kaayusan at kapayapaan habang umiiiral ang ECQ

Tiniyak ni Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na hindi magdedeklara ng batas militar si Pangulong Rodrigo Duterte upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan habang umiiral ang Luzon wide Enhanced Community Quarantine.

Ginawi ni Nograles ang pahayag matapos bigyang babala ng Pangulo ang mga leftist o militanteng grupo na nagsagawa ng kilos protesta matapos umanong hindi makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Ayon kay Nograles, hindi nila napag-uusapan ang martial law.


Paliwanag pa nito, ngayong umiiral ang State of Calamity sa bansa, mahalaga para kay Pangulong Duterte ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan kung kaya’t hindi aniya papayag ang administrasyon na may manggugulo at magsasamantala ng sitwasyon.

Sabi sa 1987 Constitution, maari lamang magdeklara ng martial law ang Pangulo ng bansa kung mayroong invasion at rebellion.

Facebook Comments