Martial Law – muling ibinabala ng Pangulo kapag lumala ang terorismo

Manila, Philippines – Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad ng pagdedeklara ng martial law sa Mindanao kapag lumala pa ang terorismo roon.

 

Ayon sa Pangulo, naiitindihan nito kung inatake ng mga ito ang kampo ng militar pero ibang usapan na kapag binomba na ang mga istraktura ng gobyerno partikular ang mga paaralan at  may napapatay na inosenteng sibilyan.

 

Banta pa ng Pangulo ay ibibigay nito sa mga terorista ang kanilang gusto at hindi siya nagdadalawang isip na gawin ang batas militar kapag lalo pang nagpatuloy ang paghahasik ng terorismo.

 

Nagbababala na rin ito sa mga lokal na lider sa Mindanao na huwag maging protektor ng mga terorista na siyang kalaban ng bansa.

 

Hindi naman niya pinangalanan ni Duterte kung sinu-sino ang mga opisyal ng pamahalaan na nakikinabang sa terorismo.

Facebook Comments