Nagpapatuloy ngayon ang pagsisikap ng mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad na mapanatiling maayos at mapayapa ang bayan ng Buldon, Maguindanao.
Lubos rin ang kagalakan ng LGU Buldon sa mga inisyatiba ng pamunuan ng Buldon MPS sa pangunguna ng bagong talagang Chief of Police CIns Art Liwan kasama ang 37th IB sa ilalim ni Col. Jun Pulitod , MILF at MNLF Officials at walang may naitalang untoward incident o anu mang krimen sa bayan magmula ng maimplementa ang Martial Law noong Mayo 23 2017.
Nagpapasalamat rin si Mayor Abolais Manalao at nakikiisa sa kanilang kampanyang balik baril program ang lahat ng kanyang mga kababayan. Sinasabing wala na ring naririnig na anumang uri ng putok sa bayan matapos maglabas ng ordinansa ang LGU na mariing ng ipinagbabawal ang pagpapaputok lalo na ng baril.
Kaugnay nito, pinasasalamatan rin ng Buldon MPS ang liderato ni Mayor Manalao dahil sa suporta na kanyang ipinagkakaloob sa hanay ng kapulisan maging sa kasundaluhan.
Patuloy naman ang apela ng LGU Buldon sa kanilang kababayan na ipagpatuloy ang mga nasimulang pagbabago lalo na sa usapin ng peace and order. Ang bayan ng Buldon ang kauna unahang bayan di lamang sa Iranun Towns, Maguindanao maging sa buong ARMM na idineklarang Rido Cleared ng mga otoridad.
Nagsimula na ring pumasok ang mga investors sa bayan dahil sa kapayapaan na nararanasan. Patuloy naman ang pagsuporta ni Mayor Manalao sa Martial Law.