Manila, Philippines – Mas matatagalan pa umano ang pagtalakay ng Senado sa proposed 2019 national budget.
Ito ang sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa harap ng inaasahang joint session ng dalawang kapulungan ng kongreso kaugnay ng pagpapalawig ng Martial Law.
Dahil dito, hiniling ni Zubiri kay Pangulong Duterte na sa umaga ng Miyerkules, December 12, gawin ang joint session ng Senado at Kamara.
Sa araw din na ito kasi puntirya ng senado na matapos ang plenary debates at pag-apruba sa 2019 budget.
Ayon naman kay Senate President Tito Sotto – maaari naman silang mag-sesyon sa Huwebes hanggang biyernes ng susunod na Linggo hinggil sa pag-apruba sa 2019 budget nang sa gayon ay maisalang na ito sa pagpupulong sa Christmas break ng mga mambabatas na magiging kasapi ng bicameral conference committee.
Gagawin ito para maisabatas ang budget sa pagbabalik-sesyon sa ikalawang Lunes ng Enero.