Martial law, pinalilimitahan sa Lanao del Sur

Manila, Philippines – Hiniling ni Magdalo Rep. Gary Alejano Kay Pangulong Duterte na limitahan na lamang ang martial law sa Lanao del Sur.

Pinapabawi ni Alejano ang deklarasyon ng martial law sa buong Mindanao.

Katwiran nito, wala namang gulo sa ibang rehiyon.


Aminado ang kongresista na hindi maiaalis ang panganib ng spill over ng karahasan at kaguluhan sa ibang lugar sa Mindanao.

Pero naniniwala itong matatag na ang pwersa doon ng mga sundalo at pulis dahil nakalatag naman na ang intelligence mechanism at nakakalat na ang intelligence operatives ng mga law enforcement agencies sa buong Mindanao.

Dahil dito, malabo na aniyang malusutan pa ito ng ibang banta.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments