Checkpoint, mahigpit na pinatutupad sa Pasay business district center

Manila, Philippines – Mahigpit na pinatutupad ng pulisya ang checkpoint sa business district center sa Pasay City.

Layon nito na matiyak ang seguridad ng mga pumupunta sa shopping mall at sa mga nagsasagawa ng business transactions sa lungsod.

Partikular na pinatutupad ang checkpoint sa mga riders sa gabi, sa Macapagal Avenue.


Ang Pasay City ay isa sa mga lungsod sa Metro Manila na may pinakamaraming malalaking hotel, restaurants at shopping mall.

Madalas din idaos ang malalaking events at concerts sa nasabing lungsod.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments