Martial Law, posibleng priority agenda ng Pangulo sa SONA nito

Manila, Philippines – Naniniwala ang ilang petitioner laban sa martial law na gagawing priority agenda para sa peace and security sa darating na ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, palalabasin at ipapakita aniya sa SONA ng Pangulo na epektibong instrumento para sa peace and order ang batas militar.

Hinimok ni Villarin ang publiko na huwag hayaan na puro militar na lamang ang mangangasiwa pagdating sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaligtasan laban sa mga terorismo.


Iminungkahi ng kongresista na magpakalat ng impormasyon sa taumbayan kung paano mag-iingat laban sa terorismo mula sa city, municipal hanggang sa barangay level.

Giit nito, hindi sapat na puro military efforts na lamang ang gagawin ng pamahalaan at walang alam ang taumbayan para proteksyunan at pagingatan ang mga sarili laban sa krimen at terorismo.

Sa ngayon ay pag-aaralan pa nilang mga petitioners kung ano ang susunod na mabisang hakbang laban sa martial law.

Aminado ang mambabatas na nahihirapan sila dahil hawak na ng Pangulo ang buong hudikatura.

Facebook Comments