Martial Law sa Cotabato Epektibo

Martial Law Effective sa Cotabato City- Mayor Guiani
Pabor si Cotabato City Mayor Atty Frances Cynthia Guinai Sayadi sa implementasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Malaki aniya ang naitutulong nito sa pagpapanatili katiwasayan lalo na sa Cotabato City. Sa pamamagitan ng Martial Law na ipapatupad ng maayos ng mga otoridad ang batas para mapanatili ang Peace and Order dagdag pa ni Mayor Guiani-Sayadi.
Matatandaang kinilala ang Cotabato City bilang safest city sa buong Mindanao at ikalawa sa buong bansa noong nakaraang taon kasabay ng implementasyon ng Martial Law mag mula ng itoy ipatupad ni Pangulong Rody Duterte.
Ang naging statement ni Mayor Guiani Sayadi ay kanyang inihayag kasabay naman ng pasusulong ngayon ng pamahalaang lungsod ng Davao na ilocalized na lamang ang implementasyon ng ML.
Hinihimok rin ng LGU Davao na tuluyang alisin na ang ML sa kanilang syudad dahil sa hindi magandang naidudulot nito sa kanilang turismo.

Facebook Comments