Martial Law sa Mindanao, dapat ng tuldukan

Sinuportahan nina Senator Francis Kiko Pangilinan at Minority Leader Franklin Drilon ang kawalan ng intensyon ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na muling  i-endorso ang pagpapalawig sa umiiral na Martial Law sa Mindanao na matatapos na sa December 31, 2019.

 

Giit ni Senator Pangilinan, hindi pinapayagan ng ating saligang batas ang unli martial law.

 

Paliwanag namam ni Senator Drilon, base sa konstitusyon, ay wala talagang basehan para mapalawig pa ang Martial Law sa Mindanao.


 

Hindi rin katanggap tangap para kay Drilon ang tila pagpressure sa Kongreso na ipasa ang inamyendahang Human Security Act para kapalit ng pagtuldok sa implementasyon ng martial law.

 

Sinabi naman ni Senator Panfilo Lacson, awtomatikong  matatanggal o mali lift ang umiiral ma batas militar sa  Mindanao sa katapusan ng taon  kung walang rekomendasyon na ito ay mapalawig.

Facebook Comments