Sumukong Lider ng NPA-Central Front, Ibinunyag ang pagtanggap ng pinansyal mula sa ilang mga Pulitiko at Media

1173

*Cauayan City, Isabela- *Inamin ng dating miyembro ng New People Army at binansagang ‘Kumander Marlboro’ na may ilang pulitiko ang tumutulong sa kanila sa oras ng kanilang pangangailangan.

Matatandaang isinuko ni Alyas Marlboro na pinuno ng Sub-Committee Central Front ang kanyang sarili sa kasundaluhan ng 95th Infantry Batallion at kapulisan at inamin nito na sila ang grupo na nagpapagala-gala sa Bayan ng San Mariano, Benito Soliven at Siyudad ng Ilagan.


Ayon pa kay alyas Marlboro, nakakatanggap umano sila ng pinansyal na tulong at pagkain sa mga pulitiko at ilang miyembro ng Media noong panahon na siya ay nasa grupo pa.

Patuloy naman na hinihikayat ni alyas Marlboro at kasundaluhan ang iba pang rebelde na magbalik loob na sa pamahalaan upang matamasa ang mga programa.

Magugunita na boluntaryong isinuko ng lider ng NPA at binansagang ‘Kumander Marlboro’ ang kanyang sarili sa mga awtoridad at ilang kalibre ng armas matapos nitong maisip na walang maidudulot na mabuti ang kanyang patuloy na pakikibaka laban sa gobyerno.

Facebook Comments

From Advertisers