Martial law sa Mindanao, hindi muna aalisin – Presidential Spokesman Abella

Manila, Philippines – Hanggat may natitira pang terorista hindi muna babawiin ang martial law sa Mindanao.

Ito’y kahit napatay na ang dalawang mataas na lider ng Maute ISIS at naideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya ang Marawi City.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, magkakaroon muna ng cabinet at Security Council meeting para malaman kung dapat na nga bang tanggalin ang martial law.


Pero para kay Vice President Leni Robredo, dapat lang tanggalin ang martial law kung maayos na ang peace and order situation sa buong Mindanao.

Nanawagan din si Robredo na magkaisa para sa pagbangon ng Marawi.
Bagamat naideklara nang malaya ang Marawi City, sinabi ni AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, hindi pa rin maituturing na ligtas para sa mga residente na bumalik na sa kanilang mga tahanan.

Facebook Comments