Iligan City – Pinag- aaralan at patuloy pa na ina-asses ngayon ng military kung tatanggalin naba ang ipinapatupad na Martial Law sa pulo ng Mindanao.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isinagawang press briefing kahapon na kailangan pa nila ng validation at pag-aaral salahat ng l ugar na sakop ng Mindanao.
Ito’y para masigurong ligtas na sa kahit ano mang gulo o panganib lalong-lalo na ang mga lugar na malapit lamang sa marawi city kagaya ng iligan, lanao del norte at Cagayan de oro city.
Matapos aniya ang kanilang pag-aaral hinggil sa pagpapa-walang bisa na nang martial law ay kailangan pa din nilang magsumite ng rekomendasyon kay Presidente Rodrigo Duterte na siyang magdedesisyon kung tatanggalin na ang martial law sa Mindanao o ipagpapatuloy pa rin ito. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
Sa palagay ninyo,kailangan na bang itigil o ipagpatuloy pa ang Martial Law sa Mindanao?
| | Virus-free. www.avast.com |
Martial Law sa Mindanao kailangan pang pag-aralan kung ipagpapatuloy pa o tatanggalin na
Facebook Comments