Martial law sa Mindanao, posibleng hindi pa alisin sa ikalawang SONA ng Pangulo

Manila, Philippines – Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang martial law sa Mindanao bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa July 24.

Sabi ng Pangulo, naka-base sa assessment ng militar kung dapat nang alisin o palawigin ang batas militar.

Aniya, hihintayin niya ang rekomendasyon ng AFP at PNP lalo’t sila naman ang nakaaalam ng totoong sitwasyon sa Marawi.


Sa July 22 na kasi matatapos ang 60-day na pagpapatupad nito sa rehiyon.

Una nang sinabi ng militar na kritikal pa rin hanggang ngayon ang sitwasyon sa Marawi at hindi pa sila makapagrerekomenda sa Pangulo hangga’t hindi natatapos ang assessment sa lugar.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments