Martin Diño, pinayuhang mag-focus na lang sa umano’y alok na posisyon sa gobyerno

Manila, Philippines – Pinayuhan ni bagong SBMA Chairperson at Administrator Wilma Eisma si Martin Diño na mag-focus na lang sa sinasabi niyang alok na posisyon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Eisma sa gitna na rin ng iringan sa pagitan nila ni Diño na kamakailan ay sinibak bilang Chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority.

Sa interview ng RMN, iginiit ni Eisma na marami silang dapat trabahuhin ngayon para muling iangat ang SBMA na lumubog aniya dahil sa paratang na korapsyon ni Diño.


Una nang nanindigan si Eisma na malinis siya sa isyu ng korapsyon.

Facebook Comments