Martin Diño, wala nang makukuhang posisyon sa Gobyerno ayon sa source sa Malacañang

Manila, Philippines – Ibinasura na ng Palasyo ng Malacañang ang sanay appointment paper ni dating SBMA Chairman Martin Diño sa Department of Interior and Local Government para pamahalaan ang Barangay Affairs.
Ayon sa isang source sa Office of the President, bago pa man ilabas ng Malacanang ang Executive Order No. 42 na nag-uutos na gawing iisa na lamang Chairman at Administrator ng SBMA at ang inilabas na Appointment paper ni Administrator Willma Eisma bilang Chairman and Administrator nito ay mayroon nang appointment paper si Diño para mailipat sa DILG.
Sinabi ng Source, hiniling ni Diño na manatili sa SBMA hanggang sa katapusan ng buwan ng Agosto pero nang matapos ang buwan ay tinatawagan nila Secretary Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea si Diño para lumipat na sa DILG pero hindi naman ito lumilipat at sa halip ay sinabing lilipat siya kung kalian niya gusto.
Paliwanag pa ng Source, nainis na sina Secretary Go at Medialdea kaya itinapon sa basura ang Appointment Paper ni Diño sa DILG at saka naglabas ng Executive Order na ang epekto ay sinisibak si Diño sa posisyon.
Inaabangan pa ang opisyal na pahayag ng Malacañang sa nasabing usapin.

Facebook Comments