Global Cebu FC tumabla sa Hougang United, 2-all sa semis ng 2017 Singapore Cup

Sports – Umiskor ng dalawang goal si Darryl Roberts para maitabla ng Global Cebu FC ang unang leg kanilang semifinal match up kontra Hougang United, 2-all sa Jalan Besar Stadium kagabi.

Unang lumang ang Hougang sa 38th minute goal ni Del Winder Singh pero naitabla ni Roberts ang laro makaraan ang limang minuto.

Nagawa pa ng Global na lumamang sa brace ni Roberts sa 68th minute pero naisalba ni Fabian Kwok ang Hougang sa kaniyang equalizer sa 85th minute.


Muling maghaharap ang mga Cebuano at Hougang sa Sabado para sa ikalawang yugto ng kanilang semis match up.

Facebook Comments