Umabot sa above normal level ang Marusay at Sinucalan River sa Calasiao at Sta. Barbara dahil sa naransang pag-ulan nitong weekend.
Sa monitoring ng Pangasinan PDRRMO, umabot sa 7.4 ft ang Marusay River habang 5.4 meters naman ang Sinucalan mula sa normal level ng mga ito na nasa 2 ft at 6 meters as of 11AM kahapon, September 7.
Napanatili naman ng Balincaguing River sa Mabini, Agno Banga River sa Bugallon at Bued Cayanga River sa San Fabian ang Below Normal Level habang normal level naman ang Pantal River sa Dagupan City.
Sa naturang panahon, patuloy ang rainfall at thunderstorm advisory mula sa tanggapan na nagpapaulan dahil sa habagat.
Kaugnay nito, patuloy din ang monitoring at paghahanda ng tanggapan para sa kaligtasan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







