Inanunsyo ng Indonesian government na dadating na sa Pilipinas sa Miyerkules, December 18 si Mary Jane Veloso.
Ayon naman kay Department of Foreign Affairs o DFA Usec. Eduardo de Vega, mamayang gabi ay lilipad patungong Jakarta, Indonesia ang mga kinatawan ng Bureau of Corrections (BuCor) at National Bureau of Investigation o NBI na susundo kay Mary Jane.
Kinumpirma rin ni De Vega na walang kinatawan ng Indonesian government ang sasama kay Mary Jane sa flight pauwi ng Pilipinas.
Sa halip ay ipinauubaya na ito ng Indonesian authorities sa mga awtoridad na susundo kay Mary Jane sa Jakarta.
Una nang inilipat si Mary Jane kahapon sa Jakarta mula sa Yogyakarta.
Facebook Comments