Blangko pa rin ang Department of Migrant Workers (DMW) sa eksaktong petsa ng pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas.
Ayon sa DMW, naghihintay pa rin si Mary Jane ng resolusyon ng legal negotiations sa kanyang paglilipat sa Pilipinas mula sa Indonesia.
Una nang napaulat na posibleng pagkatapos na ng Pasko makauwi nang Pilipinas si Veloso.
Ito ay mula sa naunang naipangako ng pamahalaan sa pamilya Veloso na makakapiling nila sa Pasko si Mary Jane.
Sa ngayon, ang pag-uwi na lamang ni Mary Jane ang hinihintay ng pamilya nito matapos na makauwi nang bansa ang distress overseas Filipino worker (OFW) na kapatid ni Mary Jane na si Maritess.
Facebook Comments