MAS CONVENIENT? | Mobile number portability act, niratipikahan na sa Kamara

Manila, Philippines – Niratipikahan na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report ng Mobile Number Portability Act.

Sa oras na maging ganap na batas na ito, may option na ang subscriber na panatilihin ang kanyang cellphone number kahit pa magbago ito ng mobile service provider o subscription plan.

Mas magiging ‘convenient’ na para sa mga subscribers na hindi na kakailanganin pang magpalit ng cellphone number sa oras na lumipat ito ng service provider.


Maliban dito, maiiwasan na rin ang identity theft, cellphone scams, at iba pang iligal na gawain.

Umaasa naman ang may-akda ng panukala na si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco na magbibigay daan ang pagkakaroon ng iisang mobile number sa paghahatid ng mas magandang serbisyo sa mga subscribers lalo pa’t pumasok na sa bansa ang third telco major player na Mislatel consortium.

Facebook Comments