Mas dumarami ang mga prank  911 callers sa bansa, ayon sa DILG

Nababahala ang Deaprtment of Interior and Local Government sa paglobo ng mga prank calls o mga mapanlinlang na tawag na natatanggap ng National Hotline 911 na nilikha ni Pang. Rodrigo Duterte.

Ito ay dahil umabot sa 2.54 milliom na mga prank calls o mapanlokong tawag ang natanggap ng Hotline 911 sa loob lamang ng taong 2019.

Ayon kay Sec. Eduardo Ano, sa bawat prank calls na kanilang natatanggap ay maaaring may isang buhay ang nasasakripisyo o nalalagay sa alanganin dahil hindi agad nakakapasok ang mga tunay na emergency calls.


Sa kabuuan, nakatanggap ang hotline 911 na 18.48 million na tawag noong 2019 ngunit 37,440 lamang dito ang mga lehitimong tawag na nangangailangan ng emergency rescue assistance at 16,763 naman ang non-emergency calls.

Kabilang sa mga natugunan ng hotline 911 ay ang police assistance, fire rescue, medical assistance, search and rescue at maraming iba pa.

Umaapela ang Kalihim sa publiko na huwag gawing katatawanan ang pagtawag sa hotline 911 dahil mas marami pa ang maaaring matanggap nilang tawag na totoong nangangailangan ng mga emergency.

assistance.

Facebook Comments