Mas kaunting barrier sa mga pampublikong sasakyan, mas maliit ang tiyansa na magkahawaan ng COVID-19

Lumabas sa pag-aaral na mas mababa ang tiyansa ng hawaan ng COVID-19 sa mga pampublikong sasakyan na mayroong kaunting barriers.

Ayon sa pag-aaral ng Ateneo de Manila University (ADMU), malaki ang epekto sa airflow ng barriers maging ito man ay gawa sa acetate o plastic o di kaya ay upuang may backrest o pagsusuot ng face shields.

Anila, ang pwesto ng pagkakaupo sa MRT at LRT ay halimbawa ng arrangement kung saan maayos na nakakadaloy ang hangin kumpara sa setup sa mga bus.


Binigyang-diin ng pag-aaral na mas epektibo ang paggamit ng face mask na sakto sa mukha kaysa gumamit ng mga barriers.

Facebook Comments