MAS MAAGA, MAS MAGANDA | Deadline sa paghahain ng income tax returns, ipinaalala ng BIR

Manila, Philippines – Nagpaalala ngayon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga taxpayers na huwag ng hintayin ang April 16, 2018 deadline sa paghahain ng kanilang Income Tax Returns (ITR).

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, mas mabuti na magsumite ng kanilang ITR na nang mas maaga ang mga negosyante, self-employed professionals at iba pang individual tax payers.

Hindi na aniya palalawigain pa sa itinakdang bagong deadline ang paghahain ng ITR at ang mga mabibigo na maghain sa tamang oras ay papatawan ang penalty.


Iginiit naman ni Dulay na ang lumang form ng ITR ang kailangang gamitin dahil hindi pa sakop ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ang ihahain ngayon.

Hindi naman kinakailangan na maghain ng personal ang mga suwelduhang empleyado dahil ang mga kumpanya ang dapat mag-file nito.

Nauna ng itinakda sa Abril 15 ang filing ng ITR at dahil ito ay natapat sa linggo kaya inilipat nila ito sa Lunes.

Facebook Comments