Bumagal sa 2.2% ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Abril.
Mas mababa ito kumpara sa 2.5% na naitala noong marso at sa 3% na naitala noong April 2019.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang pagbagal ng inflation rate at bunsod ng pagbagsak ng presyo ng langis sa World Market at paghina ng economic activities sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas, posibleng bumagal pa na hanggang 1.9% to 2.7% ang inflation rate dahil sa mababang gastusin sa transportasyon.
Samantala, ito na ang pinakamabagal na inflation rate sa loob ng limang buwan mula nang maitala ang 1.3% noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Facebook Comments