Mas mabigat na daloy ng trapiko ang nararanasan ngayon sa kahabaan ng EDSA

Ito ay dahil na rin sa dami ng mga pasaherong naghahabol makauwi sa kani-kanilang probinsya para sa bagong taon.

Alas 4:00 pa lang ng madaling araw, dagsa na sa mga terminal ang mga pasahero.

Sa EDSA Southbound, umabot hanggang EDSA-Timog flyover ang buntot ng traffic bago mag-alas 5:00 ng umaga.


Mabigat na rin ang daloy ng mga sasakyan sa EDSA-Pasay City alas 6:00 pa lang ng umaga kung saan nakadagdag ang mga taxi at pedicab na nagsasakay ng mga pasaherong galing naman ng probinsya.

Facebook Comments