Posibleng sa mga evacuation center na rin salubungin ng mga naapektuhan ng bagyong Ursula sa iloilo ang bagong taon

Sa isang panayam, sinabi ni Iloilo Governor Arthur Defensor jr na marami pa rin ang nasa evacuation centers mula sa mga bayan ng balasan at batad.

Bukod sa mga bahay, nasira rin ang kanilang pananim habang ilang bayan ang wala pa ring kuryente.

Nangako naman aniya ang local power distributor na ibabalik ang suplay ng kuryente sa probinsya sa loob ng limang araw.


Sa datos ng NDRRMC kahapon, sumampa na sa 35 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong ursula.

Umabot naman sa P782-million ang danyos nito sa sektor ng agrikultura.

Facebook Comments