Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bibigat na ang daloy ng trapiko sa Metro Manila (MM) ngayon Hunyo.
Ito ay dahil malapit nang mapantayan ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan ngayon sa Metro Manila ang bilang noong pre-pandemic.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, sa ngayon ay nasa 400,000 na ang average number ng mga sasakyang bumabaybay Metro Manila, halos kulang na lang ng limang libo para mapantayan ang pre-pandemic volume na 405,000.
Sa tantya ni Artes, posible mahigitan pa ang nasabing bilang at lalong bibigat ang daloy ng trapiko sa National Capital Region sakaling magkaroon na ng face-to-face classes sa Hulyo.
Bukod dito, tumaas din aniya ang bilang ng mga bumili ng sasakyan nitong pandemya.
Kaya naman, muling isinusulong ng MMDA ang panukalang adjustment sa oras ng trabaho ng mga empleyado sa gobyerno.
Sa panukala, gagawing alas-7:00 ng uamaga hanggang alas-4:00 ng hapon na ang pasok sa mga kawani ng pamahalaan.