19 ANYOS NA LALAKI, NAGPAKAMATAY DAHIL SA PROBLEMA SA PAG-IBIG SA BAYAMBANG

152
Problema sa pag-ibig ang nakikitang dahilan ng umano’y pagpapatiwakal ng isang 19 anyos na lalaki sa Barangay Manambong Sur, Bayambang Pangasinan.
Ang binata ay isang helper sa isang sand and gravel supply company sa bayan at residente ng barangay Nibaliw Norte, Bautista.
Base sa report ng pulisya, natagpuan itong nakabitin sa kisame ng bahay ng kanyang employer sa pamamagitan ng isang nylon rope.

Agad namang humingi ng tulong ang kanyang amo sa mga opisyal ng barangay at agad ding tumawag sa mga magulang ng biktima upang ipaalam ang nangyari sa kanilang anak.
Nagtulong-tulong din sila na maibaba sa itaas ang katawan ng biktima.
Ayon sa kaanak ng biktima, nakakaranas umano ito ng depresyon matapos siyang hiwalayan ng kanyang long distance relationship girlfriend.
Dagdag pa ng pamilya, naobserbahan din nilang nalulungkot ang biktima kasabay na rin ng pagpapadala nito ng farewell note sa Facebook Messenger.
Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima sa nangyari sa kanilang kaanak kung saan tumanggi na rin sila na isailalim sa autopsy ang bangkay. | ifmnews
Facebook Comments