Pinagsisikapan ng tanggapan ng ikaanim na distrito ng Pangasinan at mga lokal na pamahalaan ng mga bayan dito ang paglaan ng kakailanganing mga kagamitan sa pangkalusugang hanay.
Kasabay nito ang pamamahagi ng lima at bagong mga ambulansya sa mga bayan ng Balungao, Rosales, San Manuel, Sta. Maria at Tayug sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH).
Nauna nang napamahagian ng ambulansya ang mga bayan ng Asingan, Natividad, San Nicolas, San Quintin, at Umingan.
Saklaw pa ng mga ambulansyang naipamahagi ay ang ilang mga mahahalagang kagamitan tulad ng – Ambulance wheeled stretcher with straps, Automatic external defibrillator, nebulizer, portable section machine, examining light, aneroid sphygmomanometer, folding stretcher, scoop stretcher, heavy duty stethoscopes (for pediatric & adult), non-contact thermometer, ‘blood glucose meter, manual resuscitators for adult, pediatric and infant, oxygen cylinder with O2 therapy set, laryngoscopes set, immobilization devices at natal delivery set.
Layunin ng naisagawang turnover ng mga medical equipment sa mga bayan sa ikaanim na distrito na mas mapabilis pa ang pagtugon sa mga health emergencies para sa mga nasasakupan nito. |ifmnews
Facebook Comments