4 sa 5 suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Ronnel Baguio, sumuko sa pulisya

Sumuko na sa pulisya ang apat sa limang suspek sa pagkamatay sa hazing ng University of Cebu student na si Ronnel Baguio.

Ayon sa Cebu City Police Office, unang nagtungo ang mga suspek sa Mambaling Police Station 11 kahapon.

Sunod silang dinala sa Cebu City Police Office kasama ang kanilang abogado na si John Patrick Ompad para magbigay ng extrajudicial statements.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang lalim ng naging partisipasyon ng mga sumukong suspek sa isinagawang initiation rites ng Tau Gamma Phi.

Sumuko ang mga suspek matapos ang isinagawang koordinasyon ng pulisya sa mga opisyal ng nasabing fraternity.

Disyembre noong nakaranang taon ng masawi sa hazing si Baguio.

Facebook Comments