Nagpatupad ng bagong sistema sa NAIA Terminals ang Bureau of Immigration (BI) at iba pang pantalan para mapabilis ang pag-proseso ng mga dokumento ng mga paalis na Overseas Filipino Workers (OFWs).
Partikular ang pagbibigay ng prayoridad sa OFWs na pipila sa immigration counters.
Kasunod ito ng direktiba ng Pangulong Duterte kay Immigration Commissioner Jaime Morente na gawing mas maayos at mabilis ang pagproseso ng mga dukumento ng OFWs.
Naglagay na ang BI ng special team ng immigration officers na tututok sa pre-screening sa OFWs at tutugon sa kanilang pangangailangan sa airport.
Kasama sa bibigyang prayoridad ng BI ang mga OFWs na kailangang isalang sa secondary inspection at target na maresolba sa loob ng 10-minuto.
Priority din ang mga OFWs sa arrival area gamit ang 21 e-gates sa major airports ng bansa.