Mas magandang compensation package para sa mga Healthcare Workers, ipapanukala ng Philippine Medical Association

Magpapanukala ang Philippine Medical Association (PMA) ng mas magandang compensation package para sa mga Medical Frontliner sa gitna ng laban kontra COVID-19.

Sa isang panayam, sinabi ni PMA Vice President Dr. Benny Atienza na makikipagpulong sila sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at sa DOH para ihain ang kanilang proposal.

Sa proposal na pinamagatang “Second Wave of Frontliners or Physicians”, kabilang sa hihilingin nila para sa mga Healthcare Workers ay:


  • Incentives
  • Accident and Death Insurance
  • Hazard Pay
  • Supply ng maintenance, vitamins at iba pang gamot pang-isang taon
  • Veterans’ benefit
  • Mobility
  • Uniform
  • Free Legal Liabilities
  • Tax Incentives

Sa panig naman ng PMA, lahat ng Healthcare Workers na magvo-volunteer sa “Second Wave” ay bibigyan nila ng one-year membership kabilang ang Philhealth coverage at iba pang benepisyong tutukuyin ng gobyerno.

 

Facebook Comments