MANILA – Isusulong ng tambalang Duterte-Cayetano ang mas magandang serbisyo at benepisyo para sa Persons With Disabilities (PWDs) at senior citizens.Kapag nanalo, tiniyak ng tambalan na magtataguyod sila ng gobyerno na tutugon sa mga pangangailangan ng marginalized sector, partikular ng senior citizens at PWDs.Sa kanilang “Ronda-Serye” Listening Tour sa Silay, Negros Occidental, personal silang nakinig sa mga hinaing ng mga PWDs at senior citizens kabilang na kawalan ng job opportunities at pag-veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa panukalang taasan ang pensyon ng mga senior citizen na Social Security System (SSS) pensioners.Sinabi ni Cayetano na gagawin nila ni Duterte ang SSS pension hike na prayoridad.Nangako rin ang tandem na tataasan ang budget para sa Social Pension Program ng DSWD para sa mga indigent senior citizen, at tiyaking matatanggap ang mga pondo ng mga kwalipikadong beneficiary.
Mas Magandang Serbisyo Sa Mga Senior Citizens At Persons With Disablities (Pwds), Tiniyak Ng Tambalang Duterte-Cayetano
Facebook Comments